-- Advertisements --

Tiniyak ng Malakanyang ang agarang tulong para sa ating mga kababayan na lubhang naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol sa Cebu.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez, mayruong standby calamity fund ang Department of Budget of Management (DBM) mula sa National Disaster Risk Reduction Fund.

Sinabi ni Gomez ongoing ang damage assessment sa mga lugar na tinamaan ng napakalakas na lindol.

Hindi naman masabi ni Gomez kung magkano ang pondo na ilalabas ng DBM. Pero ayon sa DBM mayruon pang P8 bilyon standby fund para sa quick response effort ng pamahalaan.

Sinabi ng Kalihim na pinasisiguro din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mabigyan ng agarang tulong ang mga kababayan natin sa Cebu.

Sa ngayon, lahat ng resources ng gobyerno ay pina-mobilize narin ng Pangulo.

Pagtiyak ni Secretary Gomez na mabibigyan ng tulong ang mga apektadong local government units (LGUs) ng sa gayon 

Pagtiyak ni Sec. Gomez whole-og-govt approach ang sistema na ipinatutupad ng pamahalaan ngayon sa Cebu.

Mahigpit na babatanyan ng gobyerno ang mga mananamantala.

Ang DTI nagpatupad na rin ng price freeze sa mga pangunahing pagkain at gasolina.

Habang ang Department of Energy (DOE) ginagawa na ang lahat para maibalik ang kuryente sa lugar.

Nakadeploy na rin ang PNP upang mapanatili ang peace and order upang maiwasan ang looting.

Bukas nakatakdang bumisita sa ground zero si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.