-- Advertisements --

Sinisi US Vice President JD Vance ang mga Democrats dahil sa government shutdown.

Binatikos din nito ang tinatawag na “Far-Left Faction”ng Democratic Party dahil sa sila ang nagsulong shutdown matapos na hindi nasunod ang kanilang hiling.

Nais kasi ng Democrats congressman mapababa ang health care.

Nakausap na niya si Senate Minority Leader Chuck Schumer ukol sa “premium support” subalit mangyayari ito kapag nagbotohan ang mga Democrats na muling buksan ang gobyerno.

Una ng sinisi ng Democrats ang Republicans para sa shutdown kung saan sinabi nila na hindi sila nakipag-negosasyon.