LEGAZPI CITY – Patuloy pang pinaghahanap sa ngayon ng mga otoridad ang isang tinaguriang high value target na positibong nakunan ng libu-libong halaga ng shabu sa Barangay Sto Cristo, Tabaco City.

Kinilala ang suspek na si Illuminado De Los Santos nasa legal ng edad at residente ng lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PDEA Bicol Director Christian Frivaldo, nagsagawa ng search warrant operation ang mga otoridad sa tahanan ng suspek kung saan narekober ang apat na sachet ng shabu na may bigat na 25 grams at nagkakahalaga ng P170,000.

Subalit hindi na nakita pa ng mga otoridad ang suspek na hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa rin.

Samantala, 12 iba pang drug personality ang nahuli sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa kaparehong lungsod na pawang nasampahan na ng kasong paglabag sa Republic act no. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.