hidilyn diaz naranjo coach
-- Advertisements --

Marami ang natuwa at excited sa magiging sunod na kabanata ng buhay ng magkasintahan na sina Olympic weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz at coach Julius Naranjo.

Ito ay may kaugnayan sa ginawang pag-propose nito sa kaniyang iniibig kagabi sa Resorts World Manila.

Marami ang nagsasabi na mula sa Olympic gold patungong golden ring.

Tinawag ni Hidilyn na “magical moment” ang gabi kung saan nagpropose sa kaniya ang kaniyang boyfriend na si Julius.

Kung maalala, ilang araw matapos manalo sa Olympic si Hidilyn, sinabi nito na handa na siya kung sakaling mag-propose sa kaniya si Naranjo.

-- Advertisement --

Napag-alaman na nakilala ni Diaz si Julius, isang Filipino-Japanese weightlifter, sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa Ashgabat, Turkmenistan noong 2017.

Nagpasalamat naman ang Olympic weightlifting gold medalist sa Panginoon dahil binigyan siya ng lalaking kagaya ng kaniyang jowa na si Julius. (with reports from Bombo Jane Buna)