-- Advertisements --

Ginulat ngayon ang ilang basketball fans sa biglang palitan ng ilang players ng ilang teams habang nasa kainitan na ang NBA season.

Ito ay makaraang lumutang ang impormasyon na kinuha ng Milwauke Bucks ang Houston Rockets veteran forward at 35-anyos na PJ Tucker sa isinagawang trade.

Ang hakbang daw ng Bucks ay upang palakasin pa ang kanilang franchise final push sa Eastern Conference.

Bilang kapalit, binitawan ng Bucks ang guard na si D.J. Augustin at forward D.J. Wilson patungong Rockets gayundin ang forward na si Rodions Kurucs.

Sa isa pang trade, ibibigay din ng Milwaukee ang forward na si Torrey Craig patungong Phoenix Suns.

-- Advertisement --

Samantala sa iba pang players movement, nakompleto na raw ng Oklahoma City Thunder ang trade sa veteran forward na si Trevor Ariza patungong Miami Heat kapalit ng forward na si Meyers Leonard.

Si Leonard ay hindi pa nakakalaro bunsod ng injury na nitong nakalipas na araw ay pinatawan ng multa ng NBA dahil sa racist remarks.