Pinabulaanan ni Heart Evangelista na ito ay buntis.

Sa kaniyant Twitter account, tinapos na nito ang nasabing usapin at tinawag pa ang nasabing usapin na ‘fake news’.

Pinasalamatan nito ang mga bumati ng lumabas ang nasabing balita.

Itinuturing kasi ng actress na ang usaping pagbubuntis ay isang sensitibong usapin.

Magugunitang nakunan ang actress noong 2018 na kambal sana ang inaasahang anak nila ni Sorsogon governor Francis Chiz Escudero.