-- Advertisements --

Iginiit ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na hindi na kailangan mamamagitan pa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang hindi pagkakaunawaan sa panig ng senado at House of Representative ukol sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi nito na ang impeachment court ay isang independent body at kung mayroon mang kuwestiyon sa kanilang proseso ay maaaring idulog ito sa Korte Suprema.

Hindi rin aniya tulad ng bicameral committee na kapag nagkaroon ng anumang hindi pagkakaunawaan ay maaaring mamamagitan ang executive branch.

Una ng tiniyak ni Escudero na gagampanan ng mga mambabatas ang kanilang tungkulin bilang isang impeachment judges.