Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na bukas si Pangulong Ferdinand Marcos sa anumang dayalogo para maisulong ang kooperasyon at katatagan ng demokrasya ng ating bansa.
Ito ang tugon ni Palace Press Officer USec. Claire Castro ng tanungin kung mayruong plano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kausapin sina Senate President Chiz Escudero at House Speaker Martin Romualdez ng sa gayon hindi na lumala pa ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang kongreso.
Uminit ang bangayan sa dalawang kapulungan hinggil sa naging hakbang ng Senate impeachment court na i-remand o ibalik sa House of Representatives ang Articles of Impeachment na maglilitis kay VP Sara.
Sinabi ni Castro na kagabi sa ginanap na Vin D’Honneur kapwa dumalo ang dalawang lider ng kapulungan.
Nakita din sa video na nagkausap pa sina Escudero at Romualdez.
Naniniwala ang Pangulong Marcos na anumang mga hindi pagkakasundo sa mga isyu ay magkaka-ayos din.
Nilinaw ni USec. Castro na hindi nito masabi kung si Pangulong Marcos ang mag-initiate ng pag-uusap kasama sina Escudero at Romualdez na ng inihayag ng Presidente na hindi siya makiki-alam sa isyu ng impeachment laban kay VP Sara lalo at malala ang nasabing isyu.
Pagtiyak naman ng Palace official kung patungkol sa ibang isyu posibleng mismo si Pangulong Marcos ang manguna sa pulong lalo na kung ito ay pagtatalo saa wage hike, magna carta sa barangay health care at iba pa.
Samantala, iginagalang ni Pangulong Marcos ang bawat opinyon.
Pahayag ito ni Usec Castro ng hingan ng komento ang Malakanyang sa naging pahayag ng Philippine Constitution Association or PHILCONSA sa pangunguna ni Retired Chief Justice Renato Puno kaugnay sa naging hakbang ng Senado na ibalik sa Kamara ang articles of impeachment.
Nagbabala ang Philconsa sa epekto ng ginawa ng Senado na magresulta ng mga alalahanin sa konstitusyon.
Dahil dito nanawagan ang Philconsa sa Senado na panatilihin ang kanilang constitutional duty at ituloy ang impeachment trial na naayon sa constitution at rule of law.