Chandler Parson
Chandler Parson

Nagtamo ng matinding sugat sa katawan si Atlanta Hawks forward Chandler Parsons matapos na masangkot sa aksidente.

Patungo na sana sa praktis ng koponan ang 31-anyos na manlalaro ng banggain ang kaniyang sasakyan ng nakainom na driver.

Nagkaroon ng matinding pinsala si Parsons sa tatlong sasakyan na nagkarambola.

Sinabi ng abogado ng manlalaro na sina John Morgan at Nick Panagakis na posibleng mahirapan na maka-rekober pa ang manlalaro dahil sa nagtamo ito ng brain injury, disc herniation at torn labrum.

Agad naman ng sinampahan ng kaukulang kaso ang nakasagasang driver.

Taong 2011 ng pumasok sa NBA si Parsons at siya naglaro sa mga koponan gaya ng Houston Rockets, Dallas Mavericks, Memphis Grizzles at sa Hawks.