Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Saudi Arabia King Salman at Crown Prince Mohammed bin Salman na bumisita sa bansa.

Kasunod ito ng pagdriwang ng 50th anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Ipinarating ni Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Borje ang imbitasyon ng pangulo ng magsagawa ng courtesy call sa Saudi Foreign Minister Prince Faisal bin Farhan Al-Saudi sa Riyadh nitong Lunes.

Unang nagkita ang pangulo at hari ng Saudi kasama ang Crown Prince ng magsagawa ng State-visit ito sa Saudi noong Abril 2017.