Sumipot na rin sa kanyang practice session ng Houston Rockets ang kanilang superstar na si James Harden.

Kinumpirma ni Rockets coach Stephen Silas na naging maganda ang kanilang pag-uusap ng dating NBA MVP.

Aniya, nagbigay umano si Harden ng commitment sa kanilang kampanya ngayong bagong season.

HARDEN

Gayundin nagpaabot daw ng kanyang mga panukala si Harden sa mga gagawing diskarte.

Ukol naman sa isyu nang paghiling daw na lumipat na ng ibang team si James, umiwas na si Silas at hindi raw niya ito masasagot.

Bahala na raw tanungin ang kanyang player.

Sinasabing balak sana ng team na ipasok bukas si Harden sa laro ng Rockets sa nagpapatuloy na preseason games.

“But we had a good conversation. He was locked in,” ani coach Silas. “He was bringing up good points.”