-- Advertisements --

Dinispatsa ng Brooklyn Nets ang Detroit Pistons, 113-111, upang bumangon sa huli nilang talo.

Ito na ang ika-31 panalo ng Nets habang nasadlak pa rin sa kulelat na record ang Detroit, 12-32.

Agaw pansin ang performance ni Griffin dahil sa pagbabalik niya sa Detroit kung saan nagpakitang gilas sa kanyang 17 points.

Nets blake griffin

Inabot din kasi ng mahigit tatlong taon sa Pistons si Griffins bago nakuha ng Nets nitong buwan sa pamamagitan ng buyout agreement.

Kahit wala na sa koponan si Griffin, binigyan naman siya ng tribute sa first-half timeout na kanyang kinilala sa pamamagitan ng pagtayo at pagkaway sa isang mga fans.

Samantala sa pagbabalik ni James Harden mula sa hindi paglalaro sa huling game bunsod ng neck sorness, nagbuhos ito ng 44 big points, 14 rebounds at walong assists sa kanyang all-around game.

Naging mainitan ang banggaan ng dalawang team na kinatampukan ng ilang technical fouls at ilan pang bangayan sa mga usapin kung saan na-eject pa si Isaiah Stewart.

Nanguna sa laro ng Detroit si Jerami Grant na amy 19 points.

Sa ngayon hindi pa rin nakakabalik sa game sina Kevin Durant (left hamstring strain) at Kyrie Irving na meron umang personal na kadahilanan.