-- Advertisements --
Niyanig ng 6.1-magnitude na lindol ang timog ng isla ng Kasos, Greece.
Ang lindol ay nangyari sa ilalim ng dagat sa lalim na 78.4 kilometro, malapit sa kabisera ng Fry.
Nabatid na ang Greece ay matatagpuan sa mga fault lines kaya madalas itong makaranas ng lindol.
Sa pagitan ng Enero 26 at Pebrero 13, mahigit 18,400 mahihinang lindol ang naitala sa paligid ng Cyclades archipelago.
Bagaman walang nasaktan o nasirang ari-arian, nagdulot ito ng pag-aalala sa mga residente at awtoridad.