-- Advertisements --

Pasado alas-10 ng umaga nakaboto si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso dito sa Manuel L. Quezon Elementary School sa Tondo, Manila.

Kasabay nang mainit na panahon ang mainit na pagtanggap kay Moreno mula sa mga botante rito sa paaralan.

Dire-diretsong pumasok si Moreno sa kanyang presinto at mabilis lang din ang kanyang naging pagboto.

Siya lang din naman ang mag-isang bumoto rito sa eskwelahan.

Sa panayam, tinanong ng Bombo Radyo kung mayroon ba siyang mensahe sa dati niyang kaalyado at ngayon ay katunggali sa pagkaalkalde sa Maynila na si Mayor Honey Lacuna.

“Ay good luck sa kanila ano. Good luck sa ating lahat. I wish them well, I hope walang nagkasakit sa kanila, kaso ang hirap talaga ng panahon,” saad ni Moreno.

Samantala, nakaboto na rin ang ilang mga senador sa kani-kanilang mga presinto.

Sabay na bumoto kaninang alas-7 ng umaga si Senate President Francis Chiz Escudero at asawa nitong si Heart Evangelista sa Sorsogon.