-- Advertisements --

Sinimulan na ang pagtanggap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng aplikasyon ng special permit sa mga bus operators.

Inaasahan kasi ng LTFRB na dahil sa idineklarang special holiday ang Mayo 12 ay tiyak na marami ang uuwi sa kanilang probinsiya.

Dahil sa kakulangan ng mga bus na babiyahe sa probinsiya ay binuksan nila ang aplikasyon ng special permit.

Nilinaw naman ng LTFRB na kanilang susuriin mabuti ang mga dokumento bago aprubahan ang anumang aplikasyon.