-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa lalaking naaresto matapos makitaan ng mga sample ballots at pera sa Brgy. Poblacion, Madalag, Aklan, linggo ng gabi, Mayo 11, 2025.
Ayon kay P/Lt. Col. Arnel Solis, spokesperson ng Police Regional Office 6 (PRO-6), naharang ang lalaki sa checkpoint ng Philippine National Police.
Narekober sa kanyang posesyon at kontrol ang mga sample ballots at pera nga may iba’t ibang denominasyon na umaabot sa kabuaang halaga na P29,900.
Nasa kustodiya na ng Madalag Municipal Police Station ang lalaki na residente ng nasabing bayan at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Commission on Elections o Comelec Resolution no. 11104.