Nagpahayag ng pasasalamat si Megastar Sharon Cuneta noong Martes matapos ang malakas na pagtanggap ng kanyang asawang si Francis “Kiko” Pangilinan sa partial, unofficial results ng 2025 Senate elections.
Pasok si Pangilinan sa Top 5 senatorial candidates batay sa 80.44% ng election returns na na-canvass as of 8:02 a.m.
Sa kanyang social media post, sinabi ni Cuneta: “I believe that miracles still happen.” Ikinuwento rin niyang buong pamilya nila ay nagdasal ng taos-puso anuman ang maging resulta ng halalan.
“Maraming, maraming salamat po sa inyong mga nagtiwala, sumuporta, nangampanya, nagdasal at bumoto kay Kiko,” dagdag niya.
Binanatan din ni Cuneta ang mga troll na aniya’y walang nagawa sa mga matatalinong botante at sa plano ng Diyos.
Nagpaabot din siya ng pagbati kay Bam Aquino na nasa ikalawang pwesto sa Senate race.
Sa panayam kay Pangilnan, inamin nito na na-gulat rin sila ng asawa nitong si Sharon sa resulta.
‘Pareho kaming nagulantang… We were extremely happy,’ aniya.