-- Advertisements --
Kinumpirma ni Frankie Pangilinan ang relasyon nila ni Dan Laurel.
Sa ginawang panayam ng talent manager na si Ogie Diaz, hindi maiwasan ng anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na kiligin sa paglabas ng balita ukol sa usap-usapang nobyo nito.
Sinabi nito na mahigit isang buwan na nababasa nito ang balita subalit walang naglakas ng loob na kumpirmahin sa kaniya.
Noong kaarawan aniya ni Dan noong Mayo ay binati ni Frankie ito sa kaniyang social media.
Humanga ito sa nobyo dahil sa pagiging mabait at namana niya sa lolo sa tuhod na si dating Pangulong Jose P. Laurel.
Inamin din nito sa ina ang relasyon nila ni Dan kung saan hindi naman sila tutol dito.















