-- Advertisements --

Walang planong sumabak sa pulitika ang aktres na si Sharon Cuneta.

Sinabi nito na mas mabuti pang tumakbo palayo sa pulitika.

Giit nito na hindi niya ipagpapalit ang buhay at showbiz career niya na kaniyang itinaguyod.

Masaya na aniya ito na magpasaya sa ilang libong mga fans niya tuwing nagsasagawa siya ng mga konsiyerto.

Bagamat lumaki sa pamilya ng mga pulitiko ay hindi nito naisip na tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.