-- Advertisements --

Nagpatupad ng bahagyang lockdown ang Harbin City sa China matapos na magtala ng bagong kaso ng COVID-19.

Tatlo sa 16 na kaso na naiulat sa China nitong nakalipas na Setyembre 21 ay mula sa Harbin, ang provincial capital ng Heilongjiang.

Ayon sa National Health Commission (NHC) na huling naitala ang kaso sa lugar ay noong Pebrero 4.

Tiniyak ng Harbin government na matatapos nila ang initial round ng city-wide testing ng hanggang Huwebes.

Dahil sa semi lockdowns ay magiging sarado ang mga sinehan, gyms, at ilang establishimento ganun din pinagbawalan ang mga residente na lumabas sa kanilang kabahayan.