Reading Time: 1 minute

Inaabangan na ng maraming basketball fans ang harapan ng magkapatid na sina Stephen Curry ng Golden State Warriors at Seth ng Portland Trailblazers sa NBA Western Conference finals.

Ayon kay Warriors coach Steve Kerr na kaabang-abang ang Blazers dahil sa pagiging uhaw nila sa kampeonato.

Huling nagkampeon ang koponan ay noong 1977 at Ito ang unang pagpasok nila sa semifinals ng NBA matapos ang 19 taon.

Hindi rin maiwasan na purihin nito ang Blazers dahil sa walang gaanong binago sa kanilang manlalaro at coaching staff.

Ilan sa mga kaabang abang ay ang ipapatupad na laro nina Damian Lillard at C.J. McCollum na siyang pantapat sa tinaguriang splash brothers na sina Stephen at Klay Thompson.

Ang paghaharap ng magkapatid ay siyang kauna-unahang magaganap sa conference finals kung saan nasa ranked number 3 si Seth sa 3-point shooting percentage.

Isang malaking hamon ngayon sa Blazers ang unang laban nila dahil sa homecourt ng Warriors ito gaganapin.

Marami namang basketball analyst na hawak pa rin ng Warriors ang kalamangan dahil nagawan nilang makalusot sa Rockets kahit wala ang kanilang main player na si Kevin Durant dahil sa injury.