Wilder x Fury

Inaabangan na maraming boxing fans ang muling paghaharap nina Deontay Wilder at Tyson Fury.

Gaganapin ang heavyweight showdown sa MGM Grand Las Vegas sa Linggo.

May record si Wilder na 42 panalo walang talo isang draw at 41 knockouts habang si Fury ay mayroong 29 panalo, walang talo, isang draw at 20 knockouts.

Unang nagharap ang dalawa noong 2018 subalit nagresulta ito sa draw.

Naging mainitan ang paghaharap ng dalawa sa isinagawang pressconference ng dalawa kung saan muntik na silang magsuntukan na agad namang inawat ng mga nakatalagang security.