-- Advertisements --

Masaya nang nakabalik sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay ang ilang binihag ng Hamas subalit ang iba dito ay malamig na bangkay ng makakabalik sa kanilang mga pamilya makalipas ang dalawang taon.

Ayon sa Israeli authorities, naipasakamay na rin ng Hamas ang apat na kabaong na naglalaman ng mga labi ng mga nasawing bihag sa Red Cross nitong Lunes, Oktubre 13 kasabay ng pagpapalaya sa mga buhay na bihag sa Israel bilang parte ng ceasefire agreement.

Base sa Israeli police, naiturn-over na ang mga labi sa Israel sa parehong araw din bago ineskortan patungong National Institute of Forensic Medicine sa Tel Aviv para pormal na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawing bihag.

Sa ngayon, hindi pa nakukumpirma ng Israel ang pagkakakilanlan ng mga ibinalik na labi ng Hamas.

Matatandaan, nakapaloob sa ceasefire agreement na ipinanukala ng Amerika ang pagpapalaya sa lahat ng natitirang mga bihag ng Hamas at kanilang kaalyado, kabilang ang 28 patay na sa loob ng 72 oras mula nang inanunsiyo ang ceasefire.