-- Advertisements --

Narekober ng mga opisyal ng Sri Lanka ang ilang bangkay mula sa lumubog na barkong pandigma ng Iran.

Ang barko ay isa sa mga pinalubog ng submarine ng US habang ito ay nasa Indian Ocean.

Nailigtas din ng Sri Lankan Navy ang ilang crew ng IRIS Dena matapos na lumubog.

Tinatayang 87 katao ang nasawi habang 32 katao naman ang kanilang nailigtas.

Dinala na sa pagamutan ang mga nakaligtas kung saan ang mga ito ay guwardiyado ng mga otoridad.