-- Advertisements --

Inaasahan na papalayain na ng Hamas militants ang ilang mga bihag nila matapos ang pagkakaroon ng panibagong hostage deal sa Israel.

Ayon sa White House na mayroong 50 na bihag na karamihang mga bata at babae ang papalayain kapalit ang apat hanggang limang araw na pansamantalang pagtigil ng labanan.

Ang nasabing kasunduan aniiya ay matapos na napalibutan na ng Israel Defense Forces ang Jabalaya city sa northern Gaza.

Una ng sinabi ni US President Joe Biden na mayroong inaayos na kasunduan para sa pagpapalaya sa mga bihag sa pakikipagtulungan ng ilang mga bansa.

Patuloy ang panawagan ng United Nations ng ceasefire para makadaan ang mga tulong sa Gaza.