-- Advertisements --

Nasa 167,000 customers ng Meralco ang nawalan ng kuryente bunsod ng malawakang pagbaha dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa ulat ng kumpanya nitong Martes, Hulyo 22.

Karamihan sa mga apektado ay nasa Metro Manila, Bulacan, at Cavite, habang ang iba ay mula sa Rizal, Laguna, Batangas, at Quezon.

Ayon sa Meralco, halos 98% ng mga naapektuhan ay nasa mga lugar na binaha.

Nagpaalala rin ang Meralco ng mga hakbang sa kaligtasan sa panahon ng pagbaha, tulad ng pagpatay sa circuit breaker, pag-unplug ng appliances, at pagtiyak na tuyo ang mga wiring bago muling gamitin.