-- Advertisements --
Kinondina ng World Health Organization (WHO) ang pag-atake ng Israel sa mga pasilidad nila sa Gaza.
Ayon sa WHO na patuloy ang ginagawang pag-atake ng Israel forces ang kanilang staff sa Dier al-Balah City.
Hindi rin aniya tinatrato ng Israel ng tama ang kanilang staff doon at maging ang bodega ng WHO ay inatake at sinira ng mga sundalo ng Israel.
Maging ang ilang staff umano ng WHO ay ikinulong ng Israel ng wala man lang kadahilanan.
Depensa naman ng Israel na may ilang indibidwal silang ikinulong dahil sa sangkot ang mga ito sa terorismo.