-- Advertisements --
Bahagyang bumilis ang bagyong Dante habang ito ay patungo sa hilagang kanlurang karagatang bahagi ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bayo sa may 1,055 kilometro silangang bahagi ng Extreme Northern Luzon.
May taglay itong lakas na hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso ng hanggang 70 kph.
Dagdag pa ng PAGASA na walang posibilidad na mag-landfall pa ang bagyo at inasaahang tuluyan na itong lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR).