-- Advertisements --

Ipinagmalaki na inulat ng Department of Trade and Industry (DTI) na umabot sa halos P300 bilyon ang investments na natupad mula sa mga naging biyahe abroad ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Sa naging presidential and state visits ng Chief Executive ngayong 2023 pumalo sa $5.28 billion, or PhP294 billion, halaga na natupad na investments.

Ayon kay DTI-Board of Investments (BOI) Undersecretary Ceferino Rodolfo as of December 21,2023 nasa $4.089 billion o katumbas ng PhP227.72 billion investments ang natupad para sa walong proyekto; $790.58 million (PhP44.02 billion) para sa 11 proyekto at $398.17 million (PhP22.17 billion) para sa siyam na proyekto.

Sinabi ni Rodolfo ang mga investment pledges na nakuha ng Pang. Marcos mula sa kaniyang biyahe abroad ay naka register na sa investment promotion agencies gaya ng BOI at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Dagdag pa ng DTI official na ilan sa mga nasabing proyekto ay mayruong short gestation period at sa ngayon ay fully operational at nakapag employ na ng full-time Filipino workers.

Una ng inihayag ni Pang. Marcos na ang taong 2023 ay taon ng “structural changes” na siyang pinaka mahalaga para sa recovery ng bansa mula sa lahat ng hamon sa ekonomiya na iniwan ng Covid-19 pandemic.

Siniguro din ng Pangulo na ipagpatuloy nito ang modernization ng gobyerno sa 2024.