General Benjamin Madrigal
Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal

Aabot sa P14 million halaga ng reward money ang pinamahagi ng AFP sa limang informants na naging dahilan sa pagkaka neutralized sa limang top ranking NPA leaders.

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal ang pamamahagi ng mga reward money.

Ang informant ay nakatanggap ng P5million matapos magbigay ng impormasyon kaugnay kay Victorio Tesorio alyas Dong, Rico at Dado.

Pangalawang infomant na si alyas Informant bravo ay nakatanggap ng P4.8 milyong piso dahil nagpakaka neutralized kay NPA lider Promencio Abaya Cortez.

Nakatanggap naman ng P2.2 million si Alyas Charlie dahilan ng pagkaka neutralized kay Deomeded Apinado alyas Delio Gelio at Efren.

Nasa P1.7 milyong piso naman ang natangap na reward money ni Alyas Delta na nagbigay ng impormasyon kaya na neutralize Mauricio Sagun alyas Sonny.

Nakatanggap naman ng P550,000.00 reward money si alyas Echo makaraang magbigay ng impormasyon parq ma-neutralize ang NPA leader na si Jaime Soledad.

Simula 2001 umaabot na sa P190.10 million pesos ang naibigay na reward money sa mga civilian informants.