Hindi pinayagan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang release ng halos P130 million na halaga ng panalo dahil sa natuklasang hindi dapat naglaro ang naglaro nito.
Ito ang ginawang pagbabahagi ni PAGCOR Chairperson Al Tengco sa isinagawang pagdinig ng Senado hinggil sa panukalang lalaban sa online gambling sa bansa.
Sa kanyang pagsasalaysay, ibinahagi nito na aabot sa P129 million ang halaga ng winnings ng mga hindi dapat nakapaglaro ang kanilang pinorfeit.
Kabilang aniya sa mga ipinagbabawal na maglaro ay mga empleyado ng gobyerno, mga hindi pasok sa age limit, at iba pang dahilan.
Kinakailangan muna kasing mag presenta ng mga kaukulang dokumento katulad ng ID at selfie ng nanalo.
Dito ay saka naman tutukuyin ang pagkakakilanlan ng mga player kaya dito ay matutukoy kung maaari nilang makuha ang premyo.