GENERAL SANTOS CITY – Tinupad ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) ang panawagan ni Pangulo Rodrigo Duterte na durugin ang mga nakumpiskang iligal na droga kasama ang ibang kontrabando.
Katunayan, pinagtulungang sunugin sa isang crematorium dito sa lungsod ang mahigit sa 970.8 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, gayundin ang 24.1 kilograms ng marijuana leaves, 202 tablets ng phenobarbitals, at 227 ampules ng iba’t ibang expired na gamot na may market value na P9.5 million.
Nanguna sina PDEA-12 director Naravy Duquiatan, PDEA XI Director Antonio Rivera, at naging witness si GenSan Mayor Ronnel Rivera sa pagpapasok sa mga nabanggit na bawal na gamot sa thermal facility.
Naging saksi rin ang mga Regional Trial Court Judges, gayundin ang mga opisyal ng Philippine National Police, Joint Task Force, Non Government Organization, at iba pang sangay ng gobyerno.
Ang nasabing droga ay mga nakumpiska ng PDEA at sa police operations kung saan ang kanilang mga kaso ay nadismis na sa korte.