Nasa 598 na pagamutan sa bansa ang wala ng na-admit na pasyente na dinapuan ng COVID-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, katumbas ito ng 48.5 percent ng mga pagamutan sa bansa ang hindi na nagtala ng anumang kaso ng COVID-19.
Binubuo ito ng 49 sa 65 na pagamutan sa Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Saranggani, General Santos) ang nagtala ng zero COVID-19 admission na sinundan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na mayroong 73.1 percent o 19 sa kabuang 26 pagamutan ang walang naitalang kaso ng COVID-19 at sa Northern Mindanao na mayroong 46 na pagamutan sa kabuuang nasa 70 mga pagamutan.
Itinuturing na rin ng DOH na ang National Capital Region na nasa minimal risk classification.
Patuloy din ang panawagan ng DOH sa mga mamamayan na kahit na bumababa ang kaso ay ugaliin pa rin na obserbahan ang ipinapatupad na health protocols.