-- Advertisements --
Aabot sa $48.7 million halaga ng heroin ang nakumpiska ng mga otoridad sa United Kingdom.
Nakuha ng Naitonal Crime Agency (NCA) ang nasabing droga sa isang suspicious vessel sa Felixstowe, England.
Nakatago sa mga tuwalya at bathrobes ang aabot sa 398 kilogram na heroin.
Itinuturing na ito na ang pinakamalaking nakumpiskang droga sa kasaysayan ng UK.
Pinayagang lumayag naman ang sasakyang pangdagat matapos makuha ang mga droga.
Naaresto ng mga otoridad ang dalawang suspek na responsable sa tangkang pagpuslit ng droga.