-- Advertisements --
Pinagbawalan ng Venezuela ang anim na pangunahing international airlines sa kanilang bansa.
Kasunod ito sa bigo sila sa itinakdang 48 oras na deadline ng bansa na ituloy ang flight.
Pansamantala kasing kinansela ng mga airlines ang kanilang ruta sa Caracas dahil sa babala ng US ng ‘heightened military activity’ sa lugar.
Dahil sa insidente ay maraming mga pasahero ang naapektuhan.
Magugunitang nagpakalat ang US ng kanilang warship sa karagatan ng Venezuela para labanan ang pagkalat ng iligal na droga patungo sa US.
















