-- Advertisements --

Nagtaas na ng alert status ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) bilang paghahanda sa kappistahan ng Jesus Nazareno 2026.

Sa ilalim ng Memorandum No. 75, series o 2025, itinaas na sa blue alert ang buong capital region upang masiguro ang akmang preparasyon bago ang aktibidad at maayos na pagdiriwang sa buong kapistahan.

Sa ilalim ng memorandum na pirmado ni Atty. Romando Artes bilang chairman ng naturang konseho, pinapasiguro dito ang pagkakaroon ng maayos na koordinasyon sa pagitan ng iba’t-ibang ahensiya ng gobiyerno at ng mga lokal na pamahalaan.

Activated na rin ang response cluster kung saan ang law and order cluster ay pangungunahan ng National Capital Region Police Office habang ang logistics ay saklaw ng Office of Civil Defense (NCR) at Metropolitan Manila Development Authority.

Pangungunahan naman ng Department of Interior and Local Government (NCR) ang pamamahala kung sakaling magkaroon ng casualties at missing person sa kasagsagan ng pista.

Samantala, bagaman sa Lungsod ng Maynila lamang ang isasagawang Traslacion, hinihikayat din ang iba pang LGU sa buong capital region na maging alerto para sa anumang di-inaasahang pangyayari.