-- Advertisements --

Arestado ang 20 marinong Pilipino matapos makasamsam ang Nigerian authorities ng hindi bababa sa 20 kilo ng cocaine na nakatago sa isang barkong mula Brazil patungong Lagos, ayon sa National Drug Law Enforcement Agency (NDLEA) nitong Biyernes.

Natagpuan ang mataas na kalidad na cocaine sa isang Panama-registered vessel noong Linggo, nakasilid sa ilalim ng kargamento. Hindi tinukoy ng National Drug Law Enforcement Agency ang eksaktong laman ng shipment, pero karaniwang nagdadala umano ang barko ng coal sa ruta ng Brazil at Colombia.

Nasa kustodiya na ang mga Pinoy seafarer para sa imbestigasyon.

Kamakailan, sinabi ng National Drug Law Enforcement Agency na nakikipagtulungan sila sa US at UK anti-drug agencies para sa imbestigasyon sa isang cartel na sangkot sa pagpasok ng 1,000 kilo ng cocaine na nadiskubre sa isang container sa Lagos port. (report by Bombo Jai )