-- Advertisements --

Mayroon nang kabuuang 30 flights na pino-proseso ngayon ang Overseas Workers Welfrae Administration (OWWA) para mapauwi ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na matagal ng stranded sa mga quarantine facilities sa Metro Manila.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang mga taga-Luzon ay ihahatid sa pamamagitan ng mga bus habang ang mga taga-Vsayas at Mindanao ay ihahatid sa pamamagitan ng eroplano at barko.

Ayon kay Sec. Roque, sa katunayan ay kabuuang 3,459 seats ang okupado sa mga flight ng Air Asia at Philippine Airlines para sa mga OFWs na uuwi sa Visayas at Mindanao.

Inihayag ni Sec. Roque na walang dapat ipag-alala ang mga uuwing OFWs dahil bago sila magbiyahe ay ibibigay sa kanila ng OWWA ang kanilang certification na galing sa Bureau of Quarantine.