-- Advertisements --

Magkakasunod na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong taas presyo sa kanilang produkto.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang dagdag na P1.90 sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong dagdag na P1.20 sa kada litro ng diesel at P1.00 naman ang itinaas din sa kada litro ng kerosene.

Paliwanag ni Department of Energy Assistant Director Rodela Romero na ang dahilan ng pagtaas ay ang sanctions na ipinatupad ng US sa mga krudo mula Russia at Iran.

Paglilinaw naman nito na hindi epektibo ang nasabing taas presyo sa mga lugar kung saan nakadeklara ang state of calamity dahil sa pagdaan ng bagyo at habagat.