-- Advertisements --
Pinawi ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng epekto sa suplay ng petrolyo sa bansa ang ginawang pag-atake ng US sa Venezuela.
Sinabi ni Oil Industry Management Bureau chief Rino Abad, na bago ang pag-atake ay nagsusuplay lamang ang Venezuela ng isang bareles ng langis mula Setyembre at Nobyembre ng nakaraang taon.
Ang nasabign bilang ay isang porsyento lamang sa global suplay.
Kadalasang bumibili ng langis na galing sa Venezuela ay ang bansang China.
Bukod pa dito ay hindi kumukuha ang Pilipinas ng langis mula sa mga bansa sa South America.
Maaring temporaryo lamang ang pagtaas ng presyo ng langis at panandalian lamang ang epekto nito.
















