-- Advertisements --
Asahan ang bawas presyo sa mga produktong langis sa susunod na linggo.
Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), na maaring magkaroon ng mula P0.10 hanggang P0.30 na bawas sa kada litro ng diesel.
Habang ang gasolina ay maaaring hindi magbago o magbawas ng hanggang P0.20 sa kada litro.
Magkakaroon din ng bawas presyo ng kerosene ng hanggang P0.20 sa kada litro.
Ayon sa DOE na ang dahilan ng pagbaba ng produktong langis ay dahil sa pagbenta ng 50 milyon bareles ng langis mula sa Venezuela na siyang magdudulot ng oversupply.















