Nakataas ngayon ang thunderstorm warning sa ilang parte ng bansa.
Sa inisyung abiso ng state weather bureau, nakataas ito sa Metro Manila at anim na probinsiya sa Luzon kabilang ang Quezon, Rizal, Laguna, Batangas, Bulacan at Cavite.
Nag-abiso ang ahensiya na aasahan ngayong Miyerkules, Agosto 6, ang katamtaman hanggang sa mabibigat na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na bugso ng hangin sa mga nabanggit na lugar.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang publiko na mag-ingat laban sa posibleng kaugnay na epekto ng masamang lagay ng panahon gaya ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa kasalukuyan, ayon sa weather bureau, nakakaapekto sa malaking parte ng bansa ang low-pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at hanging habagat. Masusing binbantayan din ang panibagong LPA na namataan sa labas ng bansa.
















