-- Advertisements --
Nasa halos 200,000 na mga manggagawa ang nawalan ng trabaho sa buong bansa sa unang limang buwan ng 2021.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pananalasa pa rin ng COVID-19 sa bansa ang siyang pangunahing dahilan sa pagtaas ng mga nawalan ng trabaho.
Sa kanilang regular na job displacement monitoring report, nanggaling ang 191,117 na manggagawa sa 6,602 na mga negosyo mula Enero hanggang Mayo 30, 2021.
Mayroon 91 percent o 5,714 na negosyante ang nagbawas ng kanilang trabahador habang 9 precent ang tuluyan ng nagsara.
Nanguna ang National Capital Region na may pinakamataas na bilang ng mga nawalan ng trabaho na aabot sa 114,178 na sinusundan ng Region VII na mayroong 20,632.