CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigit 20 commuters ng pampasaherong jeep ang sugatan sa naganap na banggaan sa bahagi ng Sayre Highway Brgy. Puerto, nitong lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Capt. Mario Mantala, hepe ng Puerto Police Station, inihayag nitong karamihan sa mga casualties at mga mag-aaral.

Nagpapatuloy sa rescue mission ang pulisya at karamihan sa mga malubhang sugatan ay dinala sa Sabal Hospital ng nasabing barangay at at iba ay naibiyahe na patungong Northern Mindanao Medical Center.

Kaagad na ikinustudiya ng pulisya ang driver ng cargo truck.

Nananawagan naman ang pulisya sa lahat ng mga magulang bumisita sa dalawang ospital para sa mga sugatang mag-aaral.