-- Advertisements --

Nasa 149 na pulis ang idineploy ng Philippine National Police (PNP) sa Barangay Dicamay Uno, Jones, Isabela.

Ito ay para tiyakin na magiging maayos at mapayapa ang special elections ngayong araw.

Nabatid na naantala ang halalan sa nasabing lalawigan dahil sa ginawang panununog ng mga armadong grupo sa mga vote counting machine noon mismong May 13 polls habang ibinabiyahe ng mga guro na walang security escort

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ang deployment ng mga pulis sa lugar ay para masiguro na walang magtangkang manggulo o mangharas habang ongoing ang special election.

Batay sa record ng Commission on Elections, nasa 1,000 ang mga botante sa Barangay Dicamay Uno.

Una nang sinabi ng PNP chief na mga sundalo ang dapat magbigay ng seguridad sa mga Board of Election Inspectors.

Pero ayon naman sa militar, hindi nagpaalam ang mga guro na sila ay bumiyahe patungong munisipyo.

Ang mga sundalo kasi ang nagbibigay ng perimeter security.