CAUAYAN CITY – Humigit kumulang isang libong board feet ng mga inabandonang mga pinutol na kahoy ang nasamsam ng mga otoridad sa Barangay Batong Labang, Ilagan City.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagsagawa ng anti illegal logging operation ang pinagsanib na pwersa ng City of Ilagan Police Station, mga kasapi ng 95th Infantry Batallion Phil. Army at mga kasapi ng Provincial task force sa nabanggit na lugar kung saan narecover ang humigit kumulang 1,000 board feet ng common hardwood.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy kung sino ang nagmamay-ari sa mga inabondonang mga iligal na pinutol na kahoy

Patuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad katuwang ang iba’t ibang mga ahensiya ng pamahalaan upang masugpo ang mga nagsasagawa ng illegal logging sa lungsod.