South Korea Sokor Covid Coronavirus

CAUAYAN CITY – Unti-unti nang naapektuhan ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang ekonomiya ng South Korea matapos na bumaba ang palitan ng South Korean Won sa ibang currencies.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Aljhun Aguilar Bermudo Jr. tubong La Trinidad, Benguet at isang factory worker sa South Korea, sinabi niya na mula sa dating P48 na palitan ng isang South Korean won ay bumaba na ito sa P41.

-- Advertisement --
Sokor OFW

Maliban sa foreign currency ay naapektuhan na rin ang produksiyon ng ilang kompaniya dahil may ilang bansa na rin tulad ng Japan ang tumigil na sa pag-aangkat ng mga makinarya at auto parts sa South Korea dahil pa rin sa banta ng COVID-19.