CAGAYAN DE ORO CITY – Selos sa trabaho ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pagbaril-patay ng isang security guard sa kaniyang head guard sa Pepsi Cola office sa may Tin-ao,Brgy Agusan nitong lungsod.

Kinilala ang namatay na si Christopher Irana,41 anyos, may asawa at residente sa may Iligan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Puerto Police Station commander Police Maj Abdul Sumandar na binaril ng suspek na si Joey Cabahug ang biktima habang nag-inspeksyon sa loob ng kompaniya.

Ayon kay Sumandar, posibleng nagselos ang suspek dahil hindi siya ang napiling head guard sa kompaniya.

Dinala pa sa bahay pagamutan ang biktima ngunit idineklara ito ng mga doktor na dead on arrival.