Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO-Nasa maselang kondisyon ngayon ang isang guro sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Dina Padua Hassan, 39 anyos,may asawa at guro ng Cotabato Foundation College of Science and Technology sa Brgy Doroluman Arakan Cotabato.

Ayon kay Police Major Mautin Pangandigan ang Hepe ng Pikit PNP na lulan ang biktima sa kanyang sasakyan ng itoy pagbabarilin ng riding in tandem suspect sa Brgy Batulawan Pikit Cotabato gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek nang magresponde ang mga Cafgu at pulis.

Agad tinutulungan ng mga sibilyan ang biktima at dinala sa Cruzado Medical Hospital sa Pikit ngunit inilipat ito sa isang pagamutan sa Kidapawan City.

Grabe ang kondisyon ng guro nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib at tiyan.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa pamamaril sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.