doj sec menardo guevarra
Justice Sec. Menardo Guevarra

Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang officer-in-charge ng bansa habang sya ay nasa Russia si Justice Secretary Menardo Guevarra

Sa special order number 1061 na nilagdaan ni Pangulong Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea na may petsang Oct1 ay inaatasan si Guevarra na pangasiwaan ang bansa habang wala ang pangulo.

Si Duterte ay tutungo sa Russia magmula ngayong gabi ng Oct 1 hanggang Oct 6 para sa kanyang working visit

Magugunitang makailang beses nang itinalaga si Guevarra bilang caretaker ng bansa kapag mayruong official at working visit ang Pangulo.